Wednesday, November 19, 2008

isang iglap lang

Nung nakaraang taon pumanaw si Tito Ernie at ngayon naman ay si Tita Ding.

Pagkagising ko isang tanong lang ang sumasagi sa aking isip,
"Totoo ba ang lahat ng ito? Wala na ba talaga si Tita?"

Marahil maraming nagtataka kung bakit ako ganito kaapektado sa pagkawala niya eh tita ko lang naman siya.

Si Tita ay ang panganay sa walong (8) magkakapatid na Ariaga.
Nung dalaga pa siya ang haba ng pila ng kanyang mga manliligaw.
Madalas siyang sumali sa mga beauty contest at palagi siyang kasali sa Santa Cruzan.
Nakapag asawa siya ngunit maaga ring nabalo, nakunan siya at di na nabiyayaan ng anak.
Si Tita Ding ang pinakamasarap magluto sa aming buong angkan ng Ariaga.
Pagmay salo-salo asahan mong lahat ay nakaabang sa kanya Luto.
Specialty niya ang pork/chicken barbeque, mga pasta dishes especially ang lasagna (na hindi ko magayagaya), ang chicken lolipop niya na di ko rin magaya.
Nung bata pa ako madalas akong magbakasyon sa bahay ng mga pinsan ko.
Si tita ang nagaasikaso sa akin pagnandun ako.
Nagbabake kami ng tarts at dahil sa kanya marunong ako magluto ng carbonara fettucini.
Nagshashare siya sa akin ng mga recipies niya.
Nung ako ay nasa highschool sinulatan niya ako ng isang Catleya notebook ng mga recipies na naipon niya.
Take note, handwritten yun back to back.
Si Tita ang nagdesign at nagtahi ng sinuot ko nung Prom ko.
Kapag si Tita ang kasama mo mapapagod ka sa kakatawa, kwela at kengkoy kase si tita.

Kapag nagaaway kami ni Mama sa kanya ako pumunta para maglabas ng sama ng loob.
Naging open siya sa akin sa kanyang nakaraan kaya siya nagkahika dahil chainsmoker siya nung bata bata pa siya.
Ang mga agam-agam niya sa buhay at gusto pa niya sanang gawin.
Gusto niya sana magtayo kami ng negosyo, kaya't gusto niya gumaling para marami raw kaming projects na magawa.
Nung grumabe na ang atake niya ng hika hindi na siya masyado nakakapagluto.
Hindi na rin siya nagbabarbeque kase masama sa kanya ang usok at nahihirapan siya huminga.
Kahit na may sakit ay walang kupas parin ang pagpapatawa ni tita.
Nitong nakalipas na mga taon mas naging close kami ni Tita.
Kinukwento niya sa akin ang kanyang buhay para bang pinapasa niya sa akin ang mga kwento ng buhay niya.

Ang bilis ng mga pangyayari parang isang iglap lang, isang lingon at wala na.

Magpapasko pa naman at marami akong bagong alam na recipies napapatikim sayo.
Gusto ko pa sana makipagkwentuhan, marami pa sana akong gustong sabihin sayo.

Sayang at hindi na madudugtungan ang listahan ng mga masasayang alaala kasama si Tita Ding.

Mamimiss kita tita at kahit minsan di ko man nabanggit sayo pero alam ko naman na naramdaman mo rin

Mahal na Mahal kita Tita Ding...

MA. TERESA “TITA DING” ARIAGA SYGUI
February 18, 1950 to November 10, 2008

t-na @ 3:19 AM| 0 comments

Tuesday, November 11, 2008

Yesterday, our whole family has experienced a great lost, our beloved Tita Ding passed away.

At around 9pm, we received a phone call from my cousin and niece asking us for help. I woke up to the sound of people rushing as Mama and JP left the house to go to my Tita's house. I texted my mom and brother"kamusta na si tita? thinking that they would text me the hospital where my tita would be confined but to no avail I received no reply. A few hours has passed I was getting worried that they have not repleied to my messages.

I didn't notice that mama was already home until she checked our room. She left abruptly without answering my question. I asked my sister to ask mama where tita was, how is she and my mom replied Holy Trinity. I stood still as I enumertated the nearby hospitals in my head, "where is Holy Trinity Hospital?" The only Holy Trinity I knew was a funeral home. I thought that there maybe a Holy Trinity Hospital or Clinic that existed and I just didn't know about it.

I dashed out o my room to follow mama and be reaffirmed of what I thought. I asked mama "San na ka confine si Tita?" She embraced me tight kissed my cheek and whispered softly "Wala na si Tita Ding mo" I never expected the answer to my queries to be the most heart breaking words I ever heard in my entire life.

By the time my mom and brother got there Lifeline was about to revive her but she did not make it.

t-na @ 11:11 PM| 0 comments